23 September 2004

Posted by karinska On Thursday, September 23, 2004
ang dami kong gustong sabihin. ang dami ko kasing nararamdaman. hindi lamang sa iisang tao...

masaya ako. siguro nga masaya ako. huh? oo masaya raw ako.

hindi ko alam kung sino ang gusto kong kausapin.... ang gusto kong sabihan ng nararamdaman ko. halu-halo na rin kasi. mamaya magkamali pa ko.

basta ang alam ko, tuwing naririnig ko yung bagong kanta ni Bamboo sa radyo, napapatigil ako...
ako'y malungkot na naman
amoy chico na ako
ilang tagay na hindi pa rin tulog
tanong ko lang sa langit
kung bakit pumangit
nung dumating masaya
ngayo'y panay problemang
bumabalot sa buto
bakit ganito


ang gulo talaga ng mundo ko. siguro matagal na siyang magulo... pinipilit ko lang maging maayos... pero hindi! maayos siya eh. Bad trip. Wala nang kwenta sinasabi ko...

parang droga daw ang bisa
na ginamit niya kanina
sa una lang daw
masarap

ang pag-ibig
ganyan talaga
ako'y nilamon ng pag-ibig
ganyan talaga
masaya


sa iyo 1: ano na ba ang totoo? may totoo pa ba sa sinasabi mo? ano ang nangyari? may gusto ka pa bang malaman? marinig?

sa iyo 2: makikita pa ba kita? o patuloy akong maglalaro sa kahibangan na narito ka ngunit wala naman? patuloy ka bang magtatago sa likod ng isang karakter na kung saan naaayon lamang sa gusto ng mga tao? mabuti na rin siguro yan. ligtas ka... hindi ka magkakasala... ngunit... kasalanan ba ang tawag dun?

sa iyo 3: siguro nga hindi mo na ako kilala... nakakalungkot naman. marahil pinili ko ito. wala na kasing totoo sa mundo...

ang gulo talaga ng isip ko...

4 comments:

  1. cha, nandito lang ako if you need to talk. smile ka lang sis
    tish

    ReplyDelete
  2. ano ba ang ibig sabihin ng kasalanan?

    ano ang mas makasalanan, maging maligaya ka pero ang kapalit ay kalungkutan ng iba o maging malungkot ka para lumigay ang iba?

    ano ang mas makasalanan, ang magkasala sa iba o magkasala sa sarili?

    -lohan fanatic

    ReplyDelete
  3. lohan fanatic,

    kasalanan.....

    i think you got it all wrong....

    simple lang naman ang gusto ko. gusto ko lang makita ang kaibigan ko. wala naman akong ibang gusto. gusto ko lang namang bumalik sa akin ang nawawala kong kaibigan.

    kasalanan ba if you admire somebody? i see it as the only biggest feeling my friend could ever feel for me.... just admiration. it can never be romantic....should never be one..... would never be one...

    i'm sorry. i don't see it the way you do that's why i couldn't fathom what you're trying to tell me. how can your admiration affect other people's lives? it's just a feeling. it's not an action.

    i never thought it is a sin to admire. if it is, then let that thing in me that makes people admire me be removed....

    ReplyDelete
  4. woa. i suggest the two persons involve discuss the issue. it seems that there's a misunderstanding here. whoever feels the feeling should be honest with what he or she feels. admitting may not be enough. the person should make it clear what kind of feeling it really is.

    kung admiration lang, there's no reason to pull away or act differently. pero if it's more than that at may matatapakan, dapat pag-usapan para maintindihan ng kabilang side at dapat intindihin yun ng kabilang side.
    sayang ang friendship. you'll rarely find a true friend.

    mikey

    mikey

    ReplyDelete

Comment using Open ID if your account is with any of the following: Yahoo, Hyves, Flickr, Orange, Mixi, Myspace and AOL