Feeling ko it’s been ages mula nang huli kong makita ang itsura ng ng Muntinlupa proper. Kahit na tuwing umaga, dun ako sumasakay ng jeep papuntang Alabang, hindi ko talaga napapansin yung kabilang parte na malapit sa palengke. Wala naman kasi akong pinupuntahan dun. Siguro mahigit tatlong taon na akong hindi nakakapasok ng palengke. Baka nga apat pa.
Nung sabado, pagkatapos kong kunin ang resulta ng “blood test” ng kapatid ko, pumunta ako sa palengke. Hindi sa loob, sa labas lang. May pinabili kasi ang ermats ko. Bigla namang nag-text ang kapatid ko at humiling na ibili ko siya ng isaw. Bago pa ko makabili ng isaw, ang tagal kong tinitignan yung mga tinda nung babae. May pork barbecue, isaw, adidas (tama ba?), atbp. Sabi nang tindera, pumili na raw ako. hindi na ko pumili. Wala naman kasi akong nakikitang pagkakaiba o marahil masyado akong naaaliw sa mga babaeng katabi ko na kumakain ng isaw.
Nang pabalik na ko para sumasakay, napadaan ako sa isang tindahan ng kwek-kwek. Dalawang beses pa lang ako nakakakain ng kwek-kwek. Kung hindi pa ko pinilit ng kapatid kong lalaki na kumain, hindi ko talaga malalaman kung ano ang lasa nun. Naaalala ko pa na dun pa namin yun binili sa parang “kiosk” katabi ng mall (di ko alam tawag. Yung parang “sosoy” ba o “sosoys”?). Yung bang nasa loob ng glass cabinet yung mga kwek-kwek.. Sa sobrang aliw ko na naman, bumili ako. First time ko talaga bumili ng “street food” sa ganung lugar.
Pag-uwi ko ng bahay, nagulat ang mga magulang ko sa dala ko. “Kelan ka pa natutong bumili ng ganyan? Baka lagnatin ka ha.”, sabi nila sabay tawa. In fairness, ang sarap nung kwek-kwek. Gusto ko lang I-share.
Sabihin niyo nang ang arte ko pero once pa lang ako nakakain ng squid ball/fish balls na tinitinda sa sa labas. Yung binibili lang sa grocery ang na-try ko. kung may binili man ako nung bata pa ko, dun yun sa nagtitinda sa village namin. Nung college, hindi ko talaga nagawa yun. Ang once na yun ay nangyari nung nagtratrabaho na ko sa Makati. Kinantyawan kasi ako ng officemate kong graduate din ng UP na hindi raw ako totoong taga-UP pag hindi ako bumili ng squid balls na binili nila sa isang tindahan na malapit sa Enterprise building.
Ang cool talaga ng “street foods”! nakakatuwang bumili. Pero ayaw ko nang magka-typhoid fever. Nagkaron kasi ako nun nung college. Ang nakakatwa, yun yung panahon na hindi pa ko kumakain ng isaw. Fourth year college na ko natutong kumain ng isaw. Third year college ako nang tinamaan ako ng typhoid fever. Ako pa yung nabiktima samantalang pare-pareho kami ng kinakain ng mga dormmates ko. Ang pagkaka-iba lang ay, sila kumakain ng isaw at fishballs na binibenta sa labas, ako hindi. Tsk…tsk… minsan kailangan talaga ng body ng konting germs. Naalala ko tuloy yung kuya ng officemate ko, nagkasakit siya ng sobra kasi wala siyang germs sa katawan. Kaya hayun, inin-dyeksyonan siya sa hospital ng germs. May ganun pala! Hehehehe

nice seeing you during that time that you seemed so "amazed" with the foods near the market. thank you pala sa libreng kwek-kwek :D
ReplyDeleteplt
hinay-hinay lang sa street foods. maoospital ka na naman yan.
ReplyDeleteok ba offer ko sa iyo na regalo? trip for 2 to pagudpod. 2 nights and 3 days. kasama sa package yung special dinners. choice mo if you like dinner sa resto or near the beach tapos may bonfire. ang special dun, may serenade. oks ba?
think about it.
xtn
totoo ba yan? ayus! cha tanggapin mo na. ako yung isama mo hik!
ReplyDeletechoco
choco man!! matulog ka na pare :))
ReplyDeleteyou can't come. i made the offer kaya siyempre ako kasama. ok ba chachi? may iba ka bang request? *wink*
xtn
mga mokong kayo!!! magsitulog na nga kayo!!! pareho lang kayong may tama.
ReplyDeletextn... nakakabaliw ang offer mo hahahaha
xtn can ian and i come? kaw na rin magbayad nung sa amin :) just kidding :) pero plan din namin yan. let's go!!!
ReplyDelete== tish ==