05 November 2004

Posted by karinska On Friday, November 05, 2004
Hindi na halloween ang dating ng hangin. Hindi rin naman amoy All Soul’s Day. Siyempre tapos na yun. Iniisip ko tuloy kung anong meron at kung anong paparating.

Kagabi, lumabas ako for dinner kasama ang isang kaibigan (Alam kong may iba diyan na magre-react. Tama na. Hindi ako showbiz). Alam kong hindi ko na dapat to sinasabi pero sasabihin ko pa rin… ang cute ng kasama niya. Pero hindi ko crush (pwede naman yun diba?)

Habang kumakain kami, niloko niya ko na almost a month na lang pala ang time niya para makahanap ng regalo. Sabi ko naman, “More than a month pa. Matagal pa xmas”. Bigla siya tumawa. “Ganun ka na ba ka-busy o na-manipulate mo na sarili mo para makalimutan ang bday mo?”, tanong niya sa akin.

Gerk! Naalala ko na naman. Magbi-birthday na pala ako. Ang unang taong nagpa-alala sa akin about my special day ay ang kaibigan kong si Popo. Ngunit ang nakapagtataka, pagkatapos nun ay nakalimutan ko na talaga yung bagay na yun. Naalala ko na lang uli kahapon dahil sa kaibigan kong si Aaron (special mention. Charing!).

Dati, 3 months before my birthday excited na ko. First time ko yatang mawalan na pakialam. At first ko rin palang makalimutan na malapit na siya. Siguro dala na to ng masama kong vibes. Hindi ko alam pero hindi lang talaga maganda feeling ko. nakalimutan ko na yata na after November eh December na. tsk… tsk… weird.

Kinukulit ako ng makulit kong kaibigan kung ano raw ang gusto kong regalo. Wala naman akong maisip. Hindi naman kasi ako palahingi. Minsan lang ako humiling at sa aking dakilang bestpren ko lang yun nagawa. Napapa-isip tuloy ako. Gusto ko kasi iba ang regalo na matatanggap ko sa bday at sa xmas (hihihi).

Hmm…. Ano bang gusto ko? Ang hirap mag-isip. Little things kasi masaya na ko. Sabi nga ng isa kong prend, napaka-appreciative ko raw :D hmm… let’s see…

1. Figaro chocolate cake. (Pwede bang magpasadya dun? Gusto ko malaki!)
2. “A Lover’s Discourse” by Roland Barthes (siguro mahahalikan ko yung makapag-bibigay sa akin nito kasi balita ko mahirap siya hanapin hahaha! Pero wait! I’m taking it back. I won’t kiss. Delikado. Ah! Hug na lang :D)
3. “The Five People You’ll Meet in heaven” by Mitch Albom (yung paperback lang para pareho siya nung “Tuesday’s with Morrie” ko)
4. “Confessions of Georgia Nicolson” by Louise Rennison (it’s a thick book kasi compilation siya ng dalawang books ni Louise Rennison entitled “Angus, Thongs, and Full-frontal Snogging” and “On the Brightside, I’m Now the Girlfriend of a Sex God”. Nasa young adults section siya ng National Bookstore. O hayan may clue na. )
5. Other books by Louise Rennison

Isip pa ko iba :) ang saya pala nito hehehe

3 comments:

  1. cha iba regalo ko sa iyo. wala diyan sa list mo. matagal na siyag ready
    shane

    ReplyDelete
  2. ako rin meron na.

    cute ba kasama ko kagabi? cool! kasi sabi niya ang pretty and ang cool mo raw. hinihingi nga number mo pero di ko binigay. sabi ko alamin niya ok b? har yihee. kaso di mo pala type. sayang.

    aaron

    ReplyDelete
  3. be careful on what you wish for...

    -popo

    ReplyDelete

Comment using Open ID if your account is with any of the following: Yahoo, Hyves, Flickr, Orange, Mixi, Myspace and AOL