31 August 2004

Posted by karinska On Tuesday, August 31, 2004
Tuwing umaga, nagka-cab ako mula Ayala (Edsa) hanggang sa office ko sa Paseo de Roxas. Alam kong ang laking gastos kasi imbis na 4 pesos lang ang pamasahe ko sa jeep, nagiging 40-45 pesos sa cab. Tumatagal lang naman ang biyahe ng 10-15 minutes. Madalas kasi akong nagmamadali kasi ayokong ma-late kaya ako nagtataxi. Pero minsan tinatamad lang talaga akong lumakad lalo na pag inaantok pa ko. Kasi pag nag-jeep ako, sa Ayala lang dumadaan yung jeep kaya lalakad pa ko papuntang office.

Anyway, madalas pag naghihintay ako ng cab dun sa may Shell sa Edsa cor. street papuntang global city (hindi ko alam kung anong tawag sa street), may tumutulong sa akin para makasakay agad ng cab. Yung lalaki na nagtitinda ng diyaryo. Yung naglalakad pag nagbebenta. Hindi ko siya kilala pero madalas nagugulat na lang ako na kakausapin niya ko para sabihin na may nakita na siyang taxi para sa akin. Naisip ko, sobrang bait naman niya sa mga taong naghihintay. Pero kanina, apat kaming naghihintay ng cab, nakita ko uli siyang palakad-lakad sa kahabaan nung traffic kasi naka-stop yung mga sasakyan coming from global city. Nakita ko na may kinausap siyang taxi driver na walang pasahero. Tapos bigla siyang tumingin sa akin para sabihin na “Ma’am, ayaw niya magsakay”. Super nahiya talaga ako!!! Napatingin sa akin yung ibang tao. Akala siguro nila inuutusan ko yung lalaki. Eh hindi naman!!! Nginitian ko na lang yung lalaki at patuloy akong nag-antay ng taxi. Pagkaraan ng 1-2 minutes, sabi nung lalaki, “Ma’am, dito po pwede!” Paglingon ko, tinuturo niya yung cab sa tabi niya. Syempre, sumakay na lang ako at nagpasalamat. Nahihiya na talaga ako. Anong dapat kong gawin bilang pasasalamat? Bumili ng tinitinda niyang diyaryo? O dapat ko bang pakyawin yung diyaryo niya? Ano???!!!!

4 comments:

  1. cha, pati ba naman nagtitinda ng dyaryo di mo pinatawad? HAHAHAHA dapat i-date mo yung lalaki HAHAHAHA

    CHOCO

    ReplyDelete
  2. huwag nang idamay ang mga taong walang kamuang-muang wehehe

    bilhin mo lahat ng dyaryo niya araw-araw tapos mag-jeep ka na lang kasi mas mahal pa yung presyo ng lahat ng dyaryo sa pamasahe mo sa cab wehehe

    xtn

    ReplyDelete
  3. grabe na talaga karisma mo dear!

    sige na bili ka na nga dyaryo. :)

    -vani

    ReplyDelete
  4. McKinley, South Forbes co. Edsa...hehehe

    ReplyDelete

Comment using Open ID if your account is with any of the following: Yahoo, Hyves, Flickr, Orange, Mixi, Myspace and AOL