19 July 2004

Posted by karinska On Monday, July 19, 2004
I’m quite not in a jolly mood. The only thing that makes me smile is every time I remember the funny things that happened last weekend. We’re you guys able to watch IMBESTIGADOR? There’s this woman who formed an organization, which some people considered a cult, and she’s deceiving people by telling them that she is God. Nasa katauhan daw niya ang Diyos. Sa pagbabalik daw kasi ni Hesus, hindi na raw lalaki ang bababa sa lupa. Isa na raw babae at siya raw yun. Nakakatawa kasi yung mga arte niya. What’s funnier is when she said na sumasapi sa kaniya si late president Ferdinand Marcos! Kunyari sasapian siya ni Marcos (pero hindi epileptic ang arte niya) tapos sasabihin niya ng malakas “WHO AM I? WHO AM I?” (with matching taas ng kamay) hahaha namimilipit na ko katatawa kasi nakakatawa talaga itsura niya pati boses! After a couple of seconds, she’ll move her arms in such a manner na halata talagang japeyk! Then sasabihin niya in a soft voice, “OK. WHO AM I NOW?” hahaha she’s trying to tell you na si Lord na yung sumapi sa kaniya. Nakakatawa talaga!!! Panalo sa acting!!!!!
--------------------
habang nagmimiryenda ang pamilya namin kahapon ng hapon, nagchichikahan kami tungkol kay WHO AM I? WHO AM I?. Tapos nalipat yung topic sa basketball kasi laban ng FEU and DLSU. Napag-usapan din namin yung haircut ko ngayon, haircut ng bro ko, yung mga binili kong pagkain sa grocery last week, kung magkano ang nauubos kong load kada-buwan (hehehe wag na natin pag-usapan), bakit ang taba ko (charing!), ano gusto kong ulam … tapos bigla ba namang nagtanong ang nanay ko. Sabi niya “Anak, wala ka pa bang boyfriend” NYAK!!!! Iniisip ko pa kung ano ang gusto kong ulam tapos may kasunod na siyang tanong. Ang layo pa!
Me: “wala po. Bakit?”
Nanay: “wala bang nanliligaw sa iyo?”
Me: “wala po”
Nanay: “bakit? Wala bang nagkakagusto sa iyo?”
Me: “wala eh”
Nanay: “pano ka ba naman magugustuhan eh ang taray mo!”
NYAK! Akala ko pa naman hindi siya makapaniwala na walang nagkakagusto sa akin yun pala hindi siya nagtataka! Huhuhu WHATEVAH!!!!
--------------------
bukod sa mga events na yan last weekend, natawa rin pala ako this morning kasi nabasa ko yung nakakatawang horoscope ko sa LIBRE.
MONEY: “mag-practice nang magbilang ng pera” à heller?!! I’m working on a bank
CAREER: “doble bilis kang magtrabaho today” à sobrang bilis talaga! Half-day kasi ako kaya nung pumasok ako ng hapon, dami kong work na dapat tapusin kaya binilisan ko talaga!
LOVE: “maging ikaw masisilaw sa ganda mo” à Masama pala maging maganda kasi nakakasilaw. Tsk…tsk… delikado.

0 comments:

Post a Comment

Comment using Open ID if your account is with any of the following: Yahoo, Hyves, Flickr, Orange, Mixi, Myspace and AOL